Monday, December 15, 2008

Best Negotiated Deal of the Century


Nakinig ako kaninang umaga ng Dos por Dos sa Sais Trenta habang binabaybay ang kahabaan ng C-5, amidst all the traffic. Binalita ni Mr. Taberna, binato daw ng sapatos si George W. Bush sa Iraq. Size 10 p're!
May presscon yata, eh siguro as usual na naman itong si Dubya sa mga hirit nyang wala sa hulog. O ayan, binato sya ng hindi isang piraso ha, kundi isang pares ng sapatos. Iraqi journalist yung bumato. Hindi na ata makuntento sa kakabatikos sa dyaryo, talagang umakyat na ang dugo sa ulo at nawalan na ng self-control.


Nung aakma pa lang daw babatuhin siya, nakita na ng isang perimeter security guy yung culprit. Sinemplehan daw, linapitan at pinigilan. Sabi daw naman ng Iraqi journalist, sige na pre, one time lang. Nangiti daw yung sekyu, naisip siguro, oo nga ano, trip lang. Ayun, pinayagan. Pero ang usapan ata, kailangan pagkabato, didibdiban ng dalawang beses yung bumato para hindi halata. Nagnegotiate pa raw yung bumato, sabi, isa lang payag ako. Sabi ng sekyu, isa lang pero aaray ka ng malakas. sagot ng journalist: call!


Ang matindi naman kay Dubya, nakailag ang ulo, palibhasa magaan lang. Ayan o, tingnan nyo sa picture na hiniram ko sa Yahoo. Teka, pansinin yung reaksyon nung katabing Iraqi official. Aba, mukhang may kinalaman ano ha?

Glutang Ina

Nagdadrive kami nung isang araw ng isa kong repa, papunta kami sa Mall of Asia para manood ng Mama Mia sa SMX. Nakakita kami ng isang billboard, yung may before and after ni Jinky Oda. Nung maitim pa siya, talagang pinapangit, tayo-tayo ang buhok na parang kinuryente. Tapos nung pumuti siya, aba, kaylinis ng pagkakasuklay. Ang message: pag tomomar ka ng isang tambak na Glutamax, aayos ang buhok mo. Hindi, loko lang. Ang talagang mina-market, yung pagputi ng balat ni Jinky Oda. Effective nga, ang laki ng diprensya! Yung dating parang balat ng siko ng kapitbahay naming piyon, naging kasing puti na ng alak-alakan ni Heart Evangelista.

Ang kaso lang, na-esep namin, eh di na inlove ka sa dating maitim na ngayon maputi na, tapos pinakasalan mo. Eh pag nagkaanak kayo, siyempre maitim pa rin. Tapos hindi mo alam na dati pala siyang maitim. Akala mo tuloy napindeho ka. Sasama ang loob mo, meyn.

Sunday, December 7, 2008

Pacquiao

Nanood kami ng Pacquiao-De La Hoya fight dyan sa Silver City, sa likod ng Tiendesitas. Aba, 7AM pa lang ang haba na ng pila. Pagdating sa loob, upo muna kami, kasi ang alam ko alas onse pa maguumpisa ang totoong laban. Puro pre-fights muna. May isang Argentinian na national champion daw yun, na walang ginawa kundi sumang-ga ng mga straight ng kalaban sa pamamagitan ng pisngi niya. Ayun, mga isang minuto pa lang ng first round, 3 knock downs na, talo. Sabi ng katabi ko, baka daw mag ti TNT lang sa US yun.

Anyway, ang dami ng tao. Sabi ng mga taga Solar, kaya daw kinuha ang Silver City na site kasi sold out lahat ng cinema sites. Ang ganda ng laban, hindi akalain ng mga tao na gugulpihin ni Pacquiao si Golden Boy. Yung isang binatilyo sa harap, tayo ng tayo, sigaw ng sigaw ng yeah! yeah! sabay lilingon sa banda namin, akala mo siya yung magaling na nakikipag pukpukan ng itlog doon sa ring. Nung dumugo ang gilid ng mata ni De La Hoya, tumayo ulit si Kulukoy, lingon ulit, sabay sabi, dumugo na! dumugo na! Eh siyempre kita din naman namin eh nanonood din kami ng laban ano? Akala siguro mga bulag kami.

At the end of it all, naisip ng barkada, sino kayang lalaki sa Pilipinas ang hindi nanood ng laban? Kakaesep namin naka-esep kami ng isa: si Christian Bautista.

Saturday, November 29, 2008

Color Blindness

Nagkwento minsan yung boss kong Norwegian, ang nanay nya daw color blind, Kaya minsan magkaibang kulay ng medyas ang nasusuot. Sabi ko mabuti hindi naipapagpalit ang kutsara sa tinidor. Ay hindi daw naman gawa ng pareho naman ang kulay nung dalawa.

Nag-esep-esep ako, ano kaya ang silver lining ng isang color blind? Aba kagabi na-esep ko rin. Pag color blind ka nga pala, matipid. Kasi kahit black and white lang ang TV mo, way-ay kaso.

Tuesday, November 25, 2008

Ambulance, Fully-Loaded


Iba na talaga ang mga modelo ng mga sasakyan ngayon. Etong nabili namin, Kia na 4X4, dinonate ng kumpanya sa isang host barangay bilang isang Ambulance, as part of our Corporate Social Responsibility (CSR) Program sa Magat (Ifugao/Isabela). Tuwang-tuwa si Kap, brand new daw, at fully-loaded. Tiningnan ang cockpit, para mapatunayang kumpleto. Aba, fully air-conditioned hanggang likod. May CD player, cigarette lighter, at higit sa lahat, may steering wheel. Pasyente na lang ang kulang.
Sabi ni Kap, ayos, wala ng sakit ng ulo pag may emergency sa barrio.
Sabi naman nung Plant Manager namin, Kap, ang sasakit lang ang ulo mo diyan, ang krudo ngayon niyan sapat lang mula Maynila at maideliber dito sa planta, kaya pag takbo mo mamaya papunta sa barrio niyo, malamang tumirik yan.
Sabi ni Kap, Ha? Paano yan? Masakit nga sa ulo yan?
Sabi uli ni Manager, wag kang mag-alala Kap, fully-loaded yan. May maliit na drawer yan dyan sa tabi ng CD player, may Biogesic sa loob.

Monday, November 24, 2008

Tacsyapo


Ang salitang Tacsyapo ay katumbas ng PI sa tagalog. Yes, Philippine Islands po ang ibig sabihin niyan. Sa Science naman ang katumbas nyan ay 3.1416. Ang salitang ito, bilang isang powerful encantation sa dialecto ng mga Kapampangan, ay isang paraan ng paglalabas ng sama ng loob. Katulad din ng iba pang salita na pamparelax, ang Tacsyapo ay maari mong gamiting substitute sa Ilokanong salitang Ukinam Syet, na isa ring salitang pampakalma. Dahil sa tindi ng powers ng salitang Tacsyapo bilang relaxant, ginawa na rin po itong subject o theme ng isang tourist destination sa Gerona, on the way to Baguio. Ayan o, sa picture tingnan nyo. Sa dami baga ng basag na plato at baso diyan, isang patunay ito na ang salitang Tacsyapo ay tunay na pampakalma. Nababalita nga na bumababa na ang sales ng Valium sa lugar na ito. Para sa dobleng epekto po ng salitang Tacsyapo, pwede din po ito dugtungan ng Mebalbal-ya!

Merlion sa may Esplanade Theatre


Mga bro, pag pumunta kayo sa Singapore, wag daw kayong masyadong lalapit sa Merlion, kasi may mga out-of-this-world experience daw na nangyayari sa mga turista. Kamangha-mangha, ika nga. May nagsabi sa Singaporean TV na ang Merlion daw na ito na malapit sa Esplanade Theatre (hindi yung Merlion sa Sentosa hane?) ay nababalot ng kakaibang aura. Kahit malayo ka raw, pag tumalikod ka sa estatwang ito ay mahihila nito ang buhok mo pataas. Aba, hindi ako naniniwala, sabi-sabi lang yan.

Roof Insulation


Tingnan nyo ang picture na ito. May napapansin ba kayo? Tumpak! may damo sa bubong. Ganyan ang ibang bahay sa Norway. Ang isang ito ay rest house sa Trysil, isang lugar na nasa bundok, parang ski resort. Animo'y tahanan ng mga Hobbits ano ha? Kaya daw pinapatubuan ng damo ay para maregulate yung temperature sa loob. Pagpatak ng snow, hindi masyadong lalamig yung loob ng bahay gawa ng parang may insulating-effect yung lupa at vegetation. Aba ayos ano ha? Kako naman, eh di sinasampa yung lawn mower sa bubong para i-maintain yung damo? Hindi daw. Ibinabato lang daw yung kambing sa bubong, ayos na. Pagbusog na yung kambing eh di mahuhulog. Pagpatak sa lupa, kaldereta ka, loko.

This Is Your Kung-fu


Nagtataka ka siguro, bakit kayod ka ng kayod, tapos kinukwenta mo mag kikinseng taon ka nang kumakayod, pero bakit di ka pa rin mayaman? O kaya wag na yung yumaman, yung sumaya na lang. Nagtataka ka sa gabi, bakit pag matutulog ka na, may bumabagabag sa iyong isip, bakit parang may kulang?

Aha, maswerte ka, meron ng sagot sa katanungan mo, eto, This is Your Kung-fu: 17 Mindsets for Non-Hermits. Pag binasa mo ito, malamang hindi ka yayaman, pero baka sasaya ka. At pagkatapos mong basahin ay sasagi sa isip mo pag matutulog ka na, aba, ay kayganda pala ng mundo, it's a fair world!

Ang librong ito na sinulat ni Rodolfo Azanza ay maghahatid sa iyo ng mga kasagutan sa iyong mga katanungan. Si Mr. Azanza ay naging pamoso sa kanyang tumpak na pagsagot sa isang milyong dolyar na tanong nung 1989, sa isang forum sa UP Los Banos: bakit nahihilo ang tao?

Eto ang sagot niya:

Kasi umiikot ang mundo, nagrorotate, natural mahihilo ka.

Saan makakabili? Magsadya po lamang sa http://www.divisoria.com/, and exclusive distributor ng librong ito. Pwede mo ring sundan ang link na ito: http://www.divisoria.net/thisyokufu17.html. Mura lang, 8 dollars lang. May promo until December 31, 2008: Buy 3 for 24 dollars.

Tuesday, November 18, 2008

Eidfjord, Norway


Etong picture na to kuha sa Eidfjord, isang maliit na town that hosts a huge hydropower plant in Norway. Nasa veranda ako ng hotel na overlooking sa fjord area. medyo malamig ang simoy ng hangin dahil end of October na ito. Sa sobrang lamig, mapapa-scarf ka ng wala sa oras. Kita mo naman ang scarf ko, hiniram ko pa yan kay Eid Kabalu of Zamboanga del Sur.
Sa Eidfjord kahit saang direksyon ka tumingin, bundok ang makikita mo. And this time of year, siguradong may ice caps na. Sabi nila, pag December daw sa lugar na ito, temperature drops below zero, kaya pagnagsalita ka, buo ang mga letrang lalabas sa bibig mo. Kukunin mo ngayong yung mga letra, ilalagay mo sa hot water, at tsaka mo lamang mariring yung sinabi mo. Ang lupit ano ha?

Red Bamboo Spa in Marikina

Kung medyo nagawi kayo sa Riverbanks, dyan sa Marikina, pasyal kayo at i-try ang serbisyo sa Red Bamboo Spa. Aba ay kay gigiliw ng mga staff. Lalo na yung cute na nasa front desk. Pagpasok mo pa lang ay sasalubungin ka ng dampi ng eucalyptus scent, at dahil medyo dim light, sa isang iglap ay magbabago ang mood mo na para bagang may naguusbungang mga rosas sa iyong paligid.

Pambato na nga ang ambience, aba, yung masahe pa ay talagang nakalulugod. Mahuhusay silang pumindot ng pressure points. At may mga minamasahe silang mga masel na doon mo lang marerealize na may masel ka pala sa banda roon.

Nung tinanong ko ang may-ari (isang gwapong gwapong mama na ang nickname ay Monch) kung bakit kay gagaling ng mga masseur nila, ang sagot niya eh kasi dati silang bulag.

Ayuuuun, kaya naman pala.

Chinese Zodiac

Naniniwala ba kayo sa Chinese Zodiac?

Yung friend ko naniniwala sya. Kasi daw ang Chinese Zodiac nya ay Horse, at siya ay laging malat ang boses.

Sabi ko naman sa kanya, ah, kaya pala lagi ako nauuntog, kasi ang Chinese Zodiac ko ay... Dog.

Monday, November 17, 2008

Didto sa Copenhagen


Mga katoto, i-share ko lamang itong pagpunta ko nung nakaraan sa Copenhagen. Nakita ko doon si Hans Christian Anderson, yung creator ng mga famous fairy tales at children's stories katulad ng Little Mermaid at The Ugly Duckling. Ayan sya, sa likod ko. Nagulat ako kasi una, ang tangkad pala nya, kasing taas nya yung first floor ng City Hall buiding nila. Pangalawa, isa syang rebulto, paano kaya siya nakapagsulat ng mga kwento.
Ang isa pang nakakatuwa sa Copenhagen ay nagkalat ang mga billboard ng Carlsberg. At nakasulat sa ibaba, probably the best beer in the world. Uuuy, alam nila. Natural, probably lang kayo, dahil malamang natikman niyo na ang San Miguel Beer, na kung sa sarap lamang eh pambato nga, at ang tatalo lamang ay...tapuy ng Ifugao.

Best Obama-McCain Joke

Siguro marami na kayong nadinig na joke tungkol kay Obama at kay McCain. Pero ang da best so far ay narinig ko mula kay David Letterman.

Sabi niya, sa kakapanood daw niya ng campaigns nung dalawa (mga months ago ito), bigla niyang na realize, eto si Obama ay isang young black man, at si McCain naman ay isang old white man. Teka, hindi ba parang beofre and after ito ng buhay ni Michael Jackson?

Oo nga no?

Sunday, November 16, 2008

Andersson, Anderson, Andersen

Mga pre, sa Scandinavia pala madali mong malalaman sa surname kung taga Norway or taga Sweden yung mga kausap mo. Kapag SON ang dulo, Swedish. Kung SEN, Norwegian. Kaya lang may SON din sa Amerika di ba? Ang pagkakaiba naman, pag isang S lang, katulad ng Anderson, ah, Amerikano yan. Kung double S, or SS, katulad ng Andersson, Swedish yan.

Eh paano kung T, katulad ng Anderton?

Ah, bulol lang yun.

Ibaloi is the Language in Heaven


May kaibigan ako sa Itogon, yung kapitan ng Barangay Tinongdan. Naging kaibigan ko yun kasi for some time ay naghandle ako ng community investments ng company sa lugar ni kap. Nandoon kasi yung isa naming planta, yung 100MW binga hydroelectric power plant. Halimbawa, tumulong ang company na makabili ng multipurpose vehicle ang barangay para may magamit sa mga opisyal na byahe, pati na rin pag may emergency at may kailangang ihatid sa ospital. Eto yung picture namin ni kap ng i-turnover yung sasakyan.


Ang mga tao sa Tinongdan ay mga Ibaloi. Nakakamangha ang kultura nila, ang ganda at ang rich. Minsang dumalo ako sa isang ritwal na kung tawagin ay Kanyao, nagkwento si kap. Sabi niya, Ozone, dapat magaral ka ng Ibaloi. Kako naman, oo nga kap, para sana mas makausap ko kayo ng mas sincero. Hindi yun, sabi ni kap. Para mas makausap mo ng sincero ang Diyos sa langit. Syempre mangha ako, sabay sabi ko bakit ho kap? Sagot nya, kasi ang salita sa langit ay Ibaloi. At para patunayan ka sayo, kami dito pag nagdasal ng Tagalog, hindi sumasagot ang Diyos. Pero pag ang dasal namin sa Ibaloi, may sagot agad. May point, ano ha?


Saturday, November 15, 2008

T-shirt Design

Kahapon medyo walang maayos na palabas sa TV, so nagpunta ako sa rooftop at nagmuni-muni. Sabi ko, paano kaya ako makakatulong sa paglutas ng climate change? Wow, heavy.

May pumasok na ideya sa esep ko. Ano kaya kung mag launch ako ng anti-illegal logging campaign, by way of t-shirt slogans. Eto yung mga t-shirt slogans na naisip ko so far:

1. Save the forest, blog the loggers!
2. Save the forest, sodomize the loggers!

Yung kapitbahay ko naman, nakausap ko nung bandang gabi. sabi niya, ano ba yung sodomize? Bakit hindi na lang yung i-firing squad, at least lahat maiintindihan yun. At sabi pa nya, para daw malakas ang dating, yung wag daw baril ang gamitin, dapat daw kanyon. So ang suggestion niya eto:

Save the forest, canonize the loggers!

Genius din, ano po?

Mais ng Bagabag

Last week, pauwi ako galing sa planta namin, yung 360MW Magat hydorelectric power plant. Sa gitna yun ng boundary ng Isabela at Ifugao. Paglagpas mo ng Diadi, aapak ka sa Bagabag, bago ka dumating ng Solano. Sa Bagabag, masarap ang mais doon. Habang tinatahak mo ang kahabaan ng highway, may mapapansin kang mga long hair young girls na may hawak-kawak na mga bungkos ng mais, iwawagayway nila ito sa mukha mo, na para bagang sinasabing, hey you, wanna buy my corn?

Sabi ko sa drayber, pare tigil tayo subukan natin yung mais. Balita ko kasi, ang mais sa Bagabag yung tinatawag na native. Yung maliit, maputi, pero pag nginuya mo, aba medyo malagkit. So papara yung drayber ko dun sa isang magandang long hair na pretty girl, sabi ko wag diyan, pili tayo ng pangit pangit ng konti para mas mura. So pumara kami dun sa next. Mura nga, limang piso lang ang isa kung hindi luto. Kung luto naman, beinte ang apat, kasi daw luto na. By the way yung nagtitinda may balat sa arm. Sabi ko miss, bakit nagpatattoo ka ng mapa ng Romblon sa braso. Tawa siya.

Ayun, habang nasa daan kain kami ng mais ng drayber. Galit galit muna kami, walang kibuan. Eto ang nadiscover ko. Mas delikado palang kumain ng mais habang nagdadrive kaysa sa magtext. Bandang Solano medyo umese-ese kami dahil nagbabalat siya ng pangatlo niya. Sabi ko, mula ngayon, may bagong company policy on travel safety. Pwede bumili ng mais sa Bagabag, pero bawal muna kumain hanggang wala sa stopover sa may Sta. Fe.

Hindi sumagot si drayber. Gawa kasi, puno ang bibig.

School Bus Daw


Eto naman tungkol sa panganay ko, name nya Aya. Mga 4 years ago pinapasok ko sa Christian City Academy sa Libis, siyempre nursery muna. After mga ilang months, aba nagbibida sa bahay, marunong na daw siyang magbasa. Nagpahatid sa school sa akin kasi nandoon daw yung kanyang babasahin. Excited naman ang daddy, hatid sa school kinabukasan, nag pa-late pa sa opisina dahil siyempre malaking balita ito, 3 and a half years old lang, nakakabasa na.


Pagdating sa school, hinila agad ako papunta dun sa gilid ng school bus, na may malaking nakasulat sa side na CHRISTIAN CITY ACADEMY. Sabi ni anak, Dad, eto babasahin ko... SCHOOL...BUS!.

Minura Si Goofy


Nagpunta kaming Disneyland sa Hongkong mga tatlong buwan ang nakaraan. Paborito kasi ng bunso kong anak na 2 years old (Enya) yung mga Disney characters. Sa maikling kwento, andun na nga kami, aba nakita agad yung mga malalaking mascots. Pila agad kami kay Minnie Mouse. Maiksi lang, nakapapicture agad kami, ayos. Kay Pluto maiksi din, ayos ulit. Pagdating kay Mickey, medyo mahaba na, nagumpisa nang magtantrums ang Enya ko, ang gusto lumundag sa pila para kami na agad. Sa awa ni Lord nakaraos kay Mickey. Eh nakita sa sulok si Goofy, ayun nagsisigaw, puntahan daw namin. Takbo ang mga magulang hila ang mga anak (may panganay kami, si Aya, 7 years old na), sabay park ang stroller, sukbit ang baby bag na puno ng milk powder (walang Melamine ha) at tsupon. Eh mas mabibilis tumakbo yung ibang peyrents, andun kami sa dulo pinulot. Iyak ng iyak ang Enya, after mga 45 minutes umabot kami sa wakas kay Goofy. Sa galit at bagot ng bata, minura si Goofy ng puchayna ikaw Goofy. Sagot naman si Goofy, tenks! Eto ang picture nila. Ganda dun, punta na rin kayo.

Bright Idea

May naesep akong negosyo. Gagawa ako ng keyboard na yung capslock maliit lang ang button at malayo sa letter A. Kasi sa ngayon, lahat ng keyboard masyadong nakadikit ang capslock button kaya type ka ng type yung pala napindot mo yung capslock at capital letter na lahat ng tinatype mo.

Ano, gusto mong bumakas?

Aba Kataka-taka

Halimbawang umuulan ano ha? Alam mo ba na pwede kang makarating sa Trinoma magmula sa Paseo Center sa Makati na hindi ka mababasa?

Eto ang gawin mo: Mula Paseo Center, lumabas ka at gumilid sa building sabay pasok sa underground walkway, tapos tawid ka sa kabilang side ng Paseo de Roxas. Paglabas mo sa tunnel, sundan mo lang ang covered walkway pakanan papunta sa Ayala Tower. Tapos mula doon silong ka ulit sa covered walkway along Ayala going to the direction of Makati Avenue, then baba ka ulit sa underground patawid sa Ayala, ang labas mo nun sa malapit sa building ng PLDT o kaya yung bangko na linalandingan ng chopper ni Lucio Tan. Pag sundan mo ang covered walkway mula doon, makakarating ka sa escalator paakyat ng elevated walkway, covered din yun. Sundan mo yun hanggang lumagpas ka ng Ayala Museum, at makakarating ka sa Landmark. Mula doon, eh sundan mo na ang mga dikit dikit na malls ng Glorietta hanggang makarating ka ng SM Makati. Tapos pasok ka sa MRT, bumili ka ng tiket, sakay ka papuntang North Station. Paglabas mo doon Trinoma na.

Kung nagmamadali ka naman, pumara ka na lang ng taxi sa tapat ng Paseo Center, sabihin mo sa drayber dalhin ka sa Trinoma.

Euro Generals

Nagtataka din ako, medyo mahina ring magesep yung si Retired Gen. De La Paz. Kung ako sya, nung palabas na ako ng Russia at nakita nung taga airport doon yung 105 thousand Euros, sasabihin ko kaagad hindi akin yan. Sasabihin ko dun sa officer, Mr. Officer, isn't that yours, please don't put it in my bag. Aba gago ba naman yung officer na sasabihin niyang hindi kanya yun. Syempre ang isasagot nun, oh really, tenks for reminding me ha?