Sunday, April 18, 2010

Ang Pinakamasarap na KFC

Ito na siguro ang pinakamasarap na KFC sa buong mundo. Ayan o, sarap na sarap ang bunso ko...

Bread of Torture

Eto ang bago kong discovery, isang tinapay na pang torture. Ito ang partner ng kape dito sa Hanoi na kasing pait ng apdo.

Tieng Viet

Medyo kakalito pala dine sa Hanoi. Konting pagbabago sa tono iba na ang meaning. Katulad halimbawa ng PHO, na alam nating noodles ang ibig sabihon. Pho rin pala ang street. Pwede ring deputy, pwede ring urban house. Konting lumabas lang sa ilong ang pagpronounce mo iba na ang meaning. Eto pa. Ang MA katulad din sa atin ay nanay. Pero pwede ring kabayo, multo, libingan, ngunit, pisngi, at punla ng bigas. Santisimax!

Monday, April 5, 2010

Party List

Ang akala ko nung una, ang party list yung pagdinampot mo ang landline mo, may sasagot na tao sa linya pero wala ka pang dina-dial. Tapos sasabihin sayo, hello sino 'to? Tapos sasagot ka naman, hello, bakit mo ako tatanungin, sino ka? Ayun away kayo, ka-party list mo sya. Yun yun, di ba?

Pero tila iba yata talaga ang party list. Yun yata yung pag nakaipon ng maraming boto ay uupo ang senyor nila sa kongreso bilang kongresista. Por dahil yata para daw mai-represent yung mga minority members of the society.

Aha. Kung ganun magtatayo ako ng party list sa uulitin. Ano kaya ang maganda?

Idea #1: Bloggers Against Loggers. Wag na siguro ito, maganda lang ito sa T-shirt.
Idea #2: ARC-PG. Assn of Rejected Contestants in Pinoy Gameshows. Pwede!

Night Fury and Stitch

Kakapanood namin ng How to Train Your Dragon nung isang araw. Pansin ko ay kamukha ni Night Fury (aka Toothless) si Stitch. Opps. Alam ko na ang idadagdag mo. Kamukha rin ni Gloria....luma na yan, meyn.


My Long Lost Friend

Ang galing nga naman, matapos kong makausap si Tony Stark at Bruce Wayne sa Megamall at SM Marikina, respectively, nakasalubong ko naman sa Podium ang matagal ko nag hindi nakikitang barkada. Eto pic namin, together with my daughter Aya.

Mabait Pala Sa Personal si Bruce Wayne

Mga friends, di ba nung nakaraan nagkita kami ni Tony Stark? Sabi niya mag-ingat daw ako kay Bruce kasi laging aburido pag tag-eleksyon. Pero nung nagkausap kami OK lang sya. Tinanong ko pa nga kung bakit sa labas sya ng pantalon kung mag-brief. Sabi nya nakamaskara naman daw sya kaya hindi sya nahihiya.


Pwedeng mag-Facebook sa Ifugao

Eto ang pruweba...o, diba?

High Tech Gadget for PAGASA

Ito na siguro ang pinakahihintay nating technology para sa mas reliable weather-forecasting. Dahil dito ay pwedeng na masesante si Nathaniel Cruz.

Bakit Hindi Nagbago Ang Ekonomiya Kahit Nagka Ondoy

Hindi baleng basa ang eggs, basta tuyo ang mouse.

Friday, April 2, 2010

Bangkok Dangerous

Ito siguro ang dahilan kung bakit yung pelikula ni Nicholas Cage ay pinamagatang...Bangkok Dangerous.

Conversation with Tony Stark

Nakita ko si Tony Stark sa mall. Eto ang pic namin. Sabi nya makati raw ang likod nya, nagpapakamot. Sabi ko kukuha lang ako ng syanse sa crockery section.

Ang Inuming Azanza

Mga katoto, nahanap ko na ang aking paboritong alak sa balat ng Ponkan. Eto...
Ito ay nabibili sa Pamplona, Spain. Ganito pumunta dun: Kung sa Makati ka mangagaling, sumakay ka ng MRT hanggang Quezon Ave., tapos, sakay ka ng jeep na byaheng Quiapo. Pagdating mo sa may UST, ah...baba ka na. Yun na ang Spain. 

Patalastas Naman Muna :-)

EXCERPT FROM CHAPTER 1

I have very few friends but they are all the non-fair weather kind. I guess the equality principle is a highly reciprocated act. And it becomes a strong adhesive for non-hermits to like and love to live amongst one another in an open society. Lasting friendships are founded upon mutual respect. And the greatest impetus for respect is our ability to create a constant belief in our mind that our friend and/or partner are our equal.. -- from Chapter 1, This is Your Kung-fu: 17 DMNH

Wednesday, March 31, 2010

Cita Astals

Naalala nyo pa ba yung si Cita Astals? Comedianne yun sa Phil cinema, at dating naging konsehal sa Maynila. Napanood ko sa Wish Ko Lang, meron palang sakit yun. Sabi ng psychologist na tumingin sa kanya, meron daw psychosis or something. Noong una ayaw kong maniwala, baka kako talagang matalino lang kasi kilala naman si Cita sa kanyang wit. Pero nung in-interview, sabi nya, kaya daw sya nagsasalita mag-isa, kasi naririnig daw nya yung usapan ng mga police na nagcoconspire to kill her through radio frequency transmitters. [Hanggang dito medyo OK pa ako .] May ipinasa daw noon na batas about this. [OK pa rin ako]. At yung batas na yun daw ay naipasa just the other day. [Dito laglag na, naniwala na talaga ako na she needs medical attention]. Mukha naman tutulong yung mga dati nyang kasama sa shows, the likes of Lou Veloso. Tsk tsk. Pagaling ka, Cita.