Saturday, December 12, 2009

Warlords

Ako bilib talaga dito sa mga warlords sa bansa natin. Kay gagaling gagawa ng gulo, pero pagka aarestuhin na o kaya ay nakakulong na, biglang nagsisikip ang dibdib at hindi makahinga, papalipat sa ospital. Style bulok ano po? Walang pinagkaiba dun sa presidente ng Legacy na pinagnakawan yung napakaraming madlang pipol, nung nakadetain na nagsikip din ang dibdib. Eh samantalang ang tibay ng sikmura nyang magnakaw ng pera ng may pera. Yung mga ganyang tao di dapat nagsisisikip ang dibdib, eh matibay pa sa adobe ang mga dibdib pag sa kalokohan eh. Noong araw bago ako naging Christian, pinangarap kong pulbusin ang mga dibdib ng mga yan. Pero ngayon pupulbusan ko na lang sila ng Johnsons. Hindi na pwede yang violence eh, alinsunod sa patakaran ng aking Lord and Saviour.