Saturday, January 24, 2009

Doctor's Advice

May isi-share akong kwento tungkol sa isang kaibigan na itago na lang natin sa pangalang, Brad. Nagpunta si Brad sa kanyang executive check up, at inadvice sya ng doctor na iwasan ang mga pagkaing matataba, beer, pulutan at iba pa, dahil daw lumalaki na ang tyan nya. Ang ginawa ni Brad, lumipat sa ibang doctor at humingi ng second opinion. Iyong din ang advice ng pangalwang doctor, iwasan ang macholesterol na mga inumin at pagkain. Lumipat ulit si Brad sa iba't ibang doctor. Hanggang sa finally, sabi ng huling doctor na nakunsulta nya, "Brad, simple lang ang problema mo, masyadong maliit ang binibili mong mga T-shirt kaya mukhang malaki ang tyan mo. Bumili ka kaya ng large." Ayun naman pala.

This Guy Looks Like Me!!!

Rate this performance at The Sims On Stage

Friday, January 16, 2009

Bali, Indonesia Part 2.


Eto naman ang picture ng beach sa tapat ng Westin. Ang tawag nila sa lugar Nusa Dua. Nusa means Island and Dua means Two. May dalawang isla kasi off the shore. Oo nga naman.


Masarap mag swimmimng kasi kahit pala umuulan dito, dahil nasa equator, mainit at maalinsangan pa rin. Pati tubig medyo lukewarm, yun para bagang pag may konting away ang magsyota, lukewarm and trato sa isa't isa. Yun na nga yun. Tuwang tuwa ang mga Norwegians na kasama ko sa conference. Biro mo pag alis nila sa Norway minus 10 ang temperatura, pagdating sa Bali, 30 degrees. Ayun, pagka check in, swimming agad kahit alas onse na ng gabi kami nakapasok sa hotel.


Sa beach ay meron ding mga gumagalang mga tindero y tindera ng mga pearl necklace at mga sarong, ipit sa buhok, keychains, etsetera. Ayan sila o, mga galing pang vietnam, lumangoy lang.

Bali, Indonesia Part 1.

Ay salamat, pauwi na rin. Pakatapos ng tatlong conference, pabalik na po ang inyong lingkod sa Maynila. Tunay naman ngang kayganda ng Bali. Kunsabagay parang Boracay din lang, ang kaibahan lang, dito sa Bali, maraming Balinese food. Katulad kanina, nag dessert ako, ang inorder ko ay black rice pudding. Ang dumating sa mesa ay...champorado.


Masarap tumambay sa beach, lalo na at yung Westin Resort ay talagang secured. Ayan ako o, enjoy na enjoy. Isu ngarod.