Eto naman ang picture ng beach sa tapat ng Westin. Ang tawag nila sa lugar Nusa Dua. Nusa means Island and Dua means Two. May dalawang isla kasi off the shore. Oo nga naman.
Masarap mag swimmimng kasi kahit pala umuulan dito, dahil nasa equator, mainit at maalinsangan pa rin. Pati tubig medyo lukewarm, yun para bagang pag may konting away ang magsyota, lukewarm and trato sa isa't isa. Yun na nga yun. Tuwang tuwa ang mga Norwegians na kasama ko sa conference. Biro mo pag alis nila sa Norway minus 10 ang temperatura, pagdating sa Bali, 30 degrees. Ayun, pagka check in, swimming agad kahit alas onse na ng gabi kami nakapasok sa hotel.
Sa beach ay meron ding mga gumagalang mga tindero y tindera ng mga pearl necklace at mga sarong, ipit sa buhok, keychains, etsetera. Ayan sila o, mga galing pang vietnam, lumangoy lang.