Monday, December 15, 2008

Best Negotiated Deal of the Century


Nakinig ako kaninang umaga ng Dos por Dos sa Sais Trenta habang binabaybay ang kahabaan ng C-5, amidst all the traffic. Binalita ni Mr. Taberna, binato daw ng sapatos si George W. Bush sa Iraq. Size 10 p're!
May presscon yata, eh siguro as usual na naman itong si Dubya sa mga hirit nyang wala sa hulog. O ayan, binato sya ng hindi isang piraso ha, kundi isang pares ng sapatos. Iraqi journalist yung bumato. Hindi na ata makuntento sa kakabatikos sa dyaryo, talagang umakyat na ang dugo sa ulo at nawalan na ng self-control.


Nung aakma pa lang daw babatuhin siya, nakita na ng isang perimeter security guy yung culprit. Sinemplehan daw, linapitan at pinigilan. Sabi daw naman ng Iraqi journalist, sige na pre, one time lang. Nangiti daw yung sekyu, naisip siguro, oo nga ano, trip lang. Ayun, pinayagan. Pero ang usapan ata, kailangan pagkabato, didibdiban ng dalawang beses yung bumato para hindi halata. Nagnegotiate pa raw yung bumato, sabi, isa lang payag ako. Sabi ng sekyu, isa lang pero aaray ka ng malakas. sagot ng journalist: call!


Ang matindi naman kay Dubya, nakailag ang ulo, palibhasa magaan lang. Ayan o, tingnan nyo sa picture na hiniram ko sa Yahoo. Teka, pansinin yung reaksyon nung katabing Iraqi official. Aba, mukhang may kinalaman ano ha?

Glutang Ina

Nagdadrive kami nung isang araw ng isa kong repa, papunta kami sa Mall of Asia para manood ng Mama Mia sa SMX. Nakakita kami ng isang billboard, yung may before and after ni Jinky Oda. Nung maitim pa siya, talagang pinapangit, tayo-tayo ang buhok na parang kinuryente. Tapos nung pumuti siya, aba, kaylinis ng pagkakasuklay. Ang message: pag tomomar ka ng isang tambak na Glutamax, aayos ang buhok mo. Hindi, loko lang. Ang talagang mina-market, yung pagputi ng balat ni Jinky Oda. Effective nga, ang laki ng diprensya! Yung dating parang balat ng siko ng kapitbahay naming piyon, naging kasing puti na ng alak-alakan ni Heart Evangelista.

Ang kaso lang, na-esep namin, eh di na inlove ka sa dating maitim na ngayon maputi na, tapos pinakasalan mo. Eh pag nagkaanak kayo, siyempre maitim pa rin. Tapos hindi mo alam na dati pala siyang maitim. Akala mo tuloy napindeho ka. Sasama ang loob mo, meyn.

Sunday, December 7, 2008

Pacquiao

Nanood kami ng Pacquiao-De La Hoya fight dyan sa Silver City, sa likod ng Tiendesitas. Aba, 7AM pa lang ang haba na ng pila. Pagdating sa loob, upo muna kami, kasi ang alam ko alas onse pa maguumpisa ang totoong laban. Puro pre-fights muna. May isang Argentinian na national champion daw yun, na walang ginawa kundi sumang-ga ng mga straight ng kalaban sa pamamagitan ng pisngi niya. Ayun, mga isang minuto pa lang ng first round, 3 knock downs na, talo. Sabi ng katabi ko, baka daw mag ti TNT lang sa US yun.

Anyway, ang dami ng tao. Sabi ng mga taga Solar, kaya daw kinuha ang Silver City na site kasi sold out lahat ng cinema sites. Ang ganda ng laban, hindi akalain ng mga tao na gugulpihin ni Pacquiao si Golden Boy. Yung isang binatilyo sa harap, tayo ng tayo, sigaw ng sigaw ng yeah! yeah! sabay lilingon sa banda namin, akala mo siya yung magaling na nakikipag pukpukan ng itlog doon sa ring. Nung dumugo ang gilid ng mata ni De La Hoya, tumayo ulit si Kulukoy, lingon ulit, sabay sabi, dumugo na! dumugo na! Eh siyempre kita din naman namin eh nanonood din kami ng laban ano? Akala siguro mga bulag kami.

At the end of it all, naisip ng barkada, sino kayang lalaki sa Pilipinas ang hindi nanood ng laban? Kakaesep namin naka-esep kami ng isa: si Christian Bautista.